Friday, February 10, 2017

Kapeng Batangueño

Ang kape ay isa sa mga inuming hindi nawawala sa hapagkainan ng isang taga Batangas. Mapa-umaga, tanghali o gabi, lagi mong mapapansin ang isang tasa ng kape na kalapit ng kanilang mga plato.

Kapeng Barako — ang kapeng kilalang kilala at mabenta sa Batangas. Ito ay may pinagsamang matamis at mapait na lasa na gustong gusto ng mga Batangueño.
Ang kapeng ito ay dinala ng mga Espanyol sa Pilipinas at dun pinalago. Dahil ang Lipa Batangas ay may magandang lokasyon at klima, sakto sa pagpapatubo ng kapeng ito. Naging kilala ang kape dahil sa matapang nitong lasa.
Ang kapeng barako ay nakakaapekto sa resistensya ng katawan. Meron itong "caffeine" na nagbibigay ng enerhiya, bukod dito ay, best antioxidant ang kape at nakakatulong ito sa pagpapababa ng risk ng heart disease at Alzheimers.

Tunay nga naman na masarap ang kapeng barako sa Batangas, isa ako sa makakapagpatunay dahil ako ay isang avid-fan ng kapeng ito. Kaya kung magkakaroon kayo ng oras na bumisita sa Batangas lalong lalo na sa Lipa, huwag nyong kakalimutan na subukan ang Kapeng Batangueño.

Written By: Shayne Margarette V. Savadera


No comments:

Post a Comment