Wednesday, March 8, 2017

Kering Keri Mo sa Kerrimo

Tunay nga na ang mga Pinoy ay mahihilig kumain. At isa sa mga pagkaing kinahihiligan ay ang Fries, French Fries o kung anuman ang itawag nila sa patatas na ginayat ng parihaba at pinirito.

Kung isa ka sa napakaraming Pinoy na mahilig kumain ng Fries, ay kering keri mo sa Kerrimo. Nagoffer sila ng 2-in-1 Fries and Drinks, na iba't ibang flavor, may hot barbeque, barbeque, sour cream at cheese, at kung gusto talagang sulitin ay pwede pang magdagdag ng toppings, andiyan ang nuggets, hotdogs, o pinagsamang nuggets at hotdog, idagdag mo pa ang unlimited sawsawan nila. Iba't iba din ang flavor ng drinks di lang nestea, may house blend, berry lychee, pineapple, at iba pa.

Saan mahahanap? May Kerrimo Food stall, sa SM Lipa, Robinson's Place Lipa, at palengke ng Lipa.

O ano pang hinihintay nyo? Tara na at kumain sa Kerrimo. Dahil dito Kering keri mo!





Written By: Shayne Margarette Savadera

No comments:

Post a Comment