Thursday, March 16, 2017

Art in Island

Kung ikaw ay isang art-inclined na tao na katulad ko, tamang tama ang lugar na ito para sayo.

Kung ikaw ay photo taker at mahilig magselfie, tamang tama ang lugar na ito sayo.

Halina at mamangha sa iba't ibang likhang sining sa haligi at sahig na pwedeng pwede mong picturan, ang mga arts na nandito ay 3d at mukhang totoo talaga sa picture.

Ang buong lugar ay punong puno nang iba't ibang paintings, from Greek Gods, Sea creatures, different places, animals, at kung anu-ano pang magagandang gawing background ng selfie at picture mo.

Ang entrance ay nagkakahalaga ng 500 pesos na nagvavary depende sa kung gaanu ka kadalas dito, meron din silang promo sa taong may birthday kung saan makakapasok ito ng libre.

Isa itong napakagandang lugar na pwedeng pwedeng pasyalan, at lalong nakakaenganyo sa mga bata, at maging sa mga matatanda.

So ano pang hinihintay nyo? Maghanda na ng pang entrance, at ihanda na rin nyo ang inyong pinakamagandang camera dahil dito walang sawa ang picturan








Written By: Shayne Margarette Savadera

No comments:

Post a Comment