Saturday, May 20, 2017

BonChon Chicken

Sa panahon ngayon, wala na atang Pinoy ang di nakakaintindi sa salitang "Sarangahae". Marami na ring Pinoy ang naaadik sa panunuod ng mga Korean Drama, Korean Music Videos, mga nahuhumaling sa mga singkit at mapuputing singer at dancer. At marami na ring Pinoy ang nahuhumaling sa Korean Foods. Dahil dito naglipana na yung mga korean restaurants dito sa Lipa.

Isang halimbawa ay ang BonChon Chicken, may dalawang branch ng restaurant na ito sa Lipa, ang isa ay nasa SM Lipa, yun g isa naman ay nasa Robinsons Lipa.

Best-selling nila ang kanilang mga chicken meals, bibimbap at japchae. Naglabas din sila ng bagong menu, ang Korean Bingsu, o Halo-halo sa Pinas

Ang Price? Murang -mura. Sa halagang Php100.00, may chicken meal ka na. Masarap na at busog pa.

Isa kami, kaming magkakabarkada, na kumakain sa BonChon, at subok na subok na namin ang mga chicken meals at other menus na inooffer nila. Kayo ba? TRY NA!








Written By: Shayne Margarette Savadera

No comments:

Post a Comment